21 opisyal ng Social Security System kinasuhan sa Ombudsman

News bullet:

Image © http://news.abs-cbn.com

KINASUHAN sa Tanggapan ng Ombudsman nitong Lunes ang 21 opisyal ng Social Security System dahil umano sa paglabag sa procurement law kaugnay sa umaabot sa Php150 milyong halaga ng media contracts na pinasok ng ahensya noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay sina SSS Executive Vice President Rizaldy Capulong, Senior Vice Presidents May Catherine C. Ciriaco at Josefina O. Fomilos, Vice Presidents Eleonor Y. Cinco, Jean V. Lagrada, Helen L. Abolencia, Johnsy L. Mangundayao, Guillermo M. Urbano, Jr., Antonette L. Fernandez.

Kinasuhan din sina Department Managers lll Renato Jacinto Cuisia, Geronimo T. Valesa, Joselito A. Vivit, Ma. Luisa P. Sebastian, Sonia P. Guinto, Normita M. Doctor, Belinda B. Ella, Haydee P. Raquici, Department Managers Boobie Angela A. Ocay, Jocelyn M. Evangelista, Chief Executive Officer lll Froilan M Misa, at Nancy E. Santos.

Ayon sa nagsampa ng kaso na si Commissioner Pompee La Viña, chairman of Media and Communication Committee and Investment Oversight Committee ng Social Security Commission, ang 21 opisyal ng SSS ay lumabag ng kung ilang beses umano sa procurement law dahil sa pag-aaward ng 253 media contracts na nagkakahalaga sa Php145,538,659.76 sa iba’t ibang media entities ng walang basehan.

Sinabi pa ni La Viña na ang mga top managers ng Public Affairs and Special Events Division na kinabibilangan nila SVP May Catherine Ciriaco, Media Affairs Department Head Ma. Luisa P. Sebastian at Corporate Communication Head Sonia P. Guinto ang umano’y nakikipag negosasyon at nagrerekomenda ng media services para sa media contracts. Wala umano silang sinusunod na procurement process na isang paglabag sa proseso na isinasaad ng batas.

Hiniling ni La Viña na magbitiw na lamang sa puwesto ang mga naturang opisyal ng SSS upang maisalba ang integridad ng ahensya. Ipinaliwanag pa niya na kahit hindi niya inaakusahan na korapsyon ang mga naturang opisyal ng SSS ay may batas at proseso na dapat nilang sinunod.

Idiniin pa niya na malinaw na binigyan ng mga ito ng pabor ang kanilang ka-deal at maaaring nakinabang din sila sa naturang proseso.

Beyond Deadlines
(Click link above to read the story via Beyond Deadlines)

Comments

comments

Be the first to comment

Leave a Reply