Manyakis?*

News bullet:

TATLONG matatapang na kalahok sa Miss Earth 2018 na sina Miss Canada Yvonne Vandenberg, Miss England Abbey Gyles-Brown at Miss Guam Emma Mae Sheedy ang lumantad para ibunyag ang umano ay sexual harassment na naranasan umano nila sa isang manyakis na sponsor.

Si Vandenberg na umatras sa kompetisyon dahil sa damdaming hindi siya ligtas dito ay sinimulang i-harass daw sa pangalawang araw pa lang niya sa bansa. Nakuha raw nito ang numero ng kanyang telepono at palagiang tumatawag para malaman ang kanyang hotel na tinutuluyan at numero ng kuwarto.

Bukod dito ay pumunta ito sa lahat ng event at nag-aalok daw na gaganda ang puwesto sa kompetisyon ni Vanderberg kung pagbibigyan ang kanyang seksuwal na kahilingan. Sa Manila Yacht Club ay isinama raw nito ang mga kalahok sa yate at kinuhanan ng larawan sa nakapang-aakit na posing.

Ang damdamin ni Miss England ay na-exploit at nakaranas din daw siya ng sexual harassment mula sa sponsor na ilang ulit daw lumapit at humingi ng sexual favors kapalit ng korona.

Nagtapat naman si Miss Guam na dinakma raw ng sponsor ang nakalantad na bahagi ng kanyang likuran sa National Costume Competition at sinabihang huwag niya itong sasabihin sa iba.

Ang sponsor sa likod ng umano pambabastos ay nagngangalang Amado Cruz at tahasan nitong itinanggi ang mga paratang. Napag-alaman ng CNN Philippines na itong si Cruz ay limang taon nang nag-iisponsor ng pagkain at hapunan sa beauty contestants nang walang basbas ng organisasyon dahil may-ari siya ng isang restawran na malapit sa mga hotel ng mga kalahok.

Nag-react ang National Privacy Commission (NPC) at inutusan ang organizers ng Miss Earth na magpaliwanag kung paano nalaman ng isang sponsor ang numero ng telepono ng isang kalahok nang wala siyang pahintulot. Pero bakit privacy issue lang ang naungkat at walang umaaksyon laban sa sexual harassment?

Kumilos daw si Lorraine Schuck, founder at executive vice president ng produksyon na nagpapatakbo ng patimpalak, at sinabihan si Cruz na iba-ban nila ito sa mga susunod na event. Pero kung totoo ito, bakit ayon kay Miss England ay dumalo pa si Cruz sa preliminary event at pati na sa mismong coronation night?

Kung totoo ang alegasyon ay malaking kahihiyan ito hindi lang para sa organizers ng kontes kundi para sa Pilipinas, kaya kapag napatunayang totoo ay dapat siyang panagutin.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

 

 

*The opinion of this author is his/hers alone. It is not necessarily the views of Beyond Deadlines.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

 

The post Manyakis?* appeared first on Beyond Deadlines .

Beyond Deadlines
(Click link above to read the story via Beyond Deadlines)

Comments

comments

Be the first to comment

Leave a Reply