Masinsing paglilinis sa Quezon City Jail ipinagutos

News bullet:

Ni Santiago Celario

(File photo) Inmates of the Quezon City Jail 2016. Photo © Youtube.com

IPINAGUTOS ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology ang masinop na paglilinis ng Quezon City Jail upang hindi bahain ang loob ng detention facility dahil sa nagkalat na basura.

Ang kautusan ay ipinalabas nitong Martes matapos mamatay ang isang detainee kamakailan dahil umano sa leptospirosis na kanyang nakuha matapos lumusong sa baha sa loob ng QCJ.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Senior Inspector Xavier Solda, hindi titigilan ang gagawing paglilinis sa loob ng piitan. Sinabi pa niya na ito ay bahagi na rin nang paghahanda ng BJMP sa mabilis na paparating na tag-ulan upang maiwasan ang pagputok ng sakit, tulad ng leptospirosis, sa hanay ng 3,891 detainees ng QCJ.

Ang QCJ ay itinayo para lamang bahayan ang 800 detainee. Sa kasalukuyan, ang QCJ ang isa sa pinaka-congested na detention facility sa bansa.

Sa kabilang banda, kinilala lamang ng pamunuan ng BJMP ang nasawing detainee sa pangalang Mark, 29. Si Mark ay namatay noong ika-23 ng Hunyo sa East Avenue Medical Center kung saan siya isinugod matapos magpakita ng sintomas ng hinihinalang leptospirosis.

Bukod dito ay napag-alaman pa na may isang uri ng acute chronic disease ang biktima.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this story/opinion? If you do, kindly share it. Thanks.

 

The post Masinsing paglilinis sa Quezon City Jail ipinagutos appeared first on Beyond Deadlines.

Beyond Deadlines
(Click link above to read the story via Beyond Deadlines)

Comments

comments

Be the first to comment

Leave a Reply