Mataas ni pinuno ng kilusang komunista arestado sa QC

News bullet:

Ni Santiago Celario

NDFP condemns arrests of Vicente Ladlad and other peace consultants. Photo by redspark.nu

DINAKIP ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang isang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines at dalawa nitong kasama makaraang mahulihan ng matataas na kalibre ng baril sa isang bahay sa Quezon City nitong madaling araw ng Huwebes.

Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Joselito T Esquivel, nakilala ang nadakip na si Vicente P. Ladled, alyas “Eduardo Reyes”, “Boss Ed”, at “General Reyes.” Siya umano ang pinuno ng National United Front Commission at miyembro ng CPP Central Committee.

Ang dalawang kasama ni Ladlad ay kinilala na sina Antonio M. De Jesus alyas “Kuya Tony” at isang alyas “Ate Anna.”

Nauna rito, nakatanggap ang QCPD ng impormasyon mula sa isang impormante hinggil sa presensya ng tatlong kaninahinalang personalidad sa isang bahay sa kanto ng St. Mark at Dona Tomasa Street, Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Sinabi pa ni Esquivel na matapos maging positibo ang kanilang surveillance operation laban sa tatlo ay kumuha sila ng search warrant mula kay Executive Judge Cecilyn E. Burgos–Villavert ng QC RTC Br. 89, National Capital Judicial Region.

Habang armado ng search warrant, sinasalakay ng mga operatiba ng QCPD, National Capital Region Police Office at AFP, ang bahay kung saan naandon sina Ladlad.

Nasamsam mula sa bahay ang isang AK 47, isang M16A1 assault riffle; isang kalibre. 45, isang 9mm calibre, apat na granada, mga subersibong dokumento at mga bala ng baril.

Ayon kay Esquivel, kakasuhan sila Ladlad ng paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

 

The post Mataas ni pinuno ng kilusang komunista arestado sa QC appeared first on Beyond Deadlines .

Beyond Deadlines
(Click link above to read the story via Beyond Deadlines)

Comments

comments

Be the first to comment

Leave a Reply